Arestado ang apat na indibidwal matapos nilang i-claim ang isang parcel na naglalaman ng mahigit 50,000 piraso ng ecstasy tablet mula sa The Netherlands.
Idinaan ang parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City kung saan nagkakahalaga ito ng 85 million pesos.
Ang nasabing parcel ay dumating sa bansa noon pang March 19 pero ngayon lamang ito kinuha.
Nabatid na idineklarang dog food ang parcel na nakalagay sa 8 malalaking pakete.
Isa sa mga na-arestong lalaki ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG ay mula pa sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
Kasama niyang nag-claim ng parcel ang isang kagawad ng barangay mula sa Tondo, Maynila.
Arestado rin ang kasama nilang mag-asawa na hindi muna pinangalanan.
Sinasabing ang isang tableta ng ecstasy ay nagkakahalaga ng 1,700 pesos.