Mahigit 600 residente sa Cagayan Valley, inilikas kasunod ng pananalasa ng Bagyong Marce

Nasa 246 na mga pamilya o katumbas ng 751 na mga indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Marce sa Region 2 o Cagayan Valley.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 600 indibidwal ang nananatili ngayon sa 14 na mgq evacuation centers sa nabanggit na rehiyon.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 1 kalsada sa Cordillera Administrative Region na unpassable sa mga motorista.


Samantala, 156 ang class suspensions ngayong araw dahil pa rin sa bagyo.

Ang mga nasuspinde pasok sa eskwela ay sa mga lalawigan sa Ilocos Region, Cagayan Valley at gitnang Luzon.

Nakapagtala din ng suspensyon sa pasok sa trabaho sa mga nabanggit na rehiyon.

Samantala, tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng pamahalaan sa pagtama ng bagyo kung saan naka preposisyon na ang relief goods at assets.

Facebook Comments