Mahigit dalawang milyong Pilipinong estudyante sa bansa, nakinabang sa free college education law sa ilalim ng administrasyong Duterte

Inihayag ng Commission on Higher Education o CHED na nasa mahigit dalawang milyong Pilipinong estudyante sa bansa ang nakinabang sa “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” na naisabatas sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ito ay inanunsyo ni CHED Chairman Prospero de Vera III sa Day 2 ng “Duterte Legacy Summit” na tumalakay sa mga accomplishment ng outgoing administration ni Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon kay de Vera, sa naturang bilang ay 1.97 milyong estudyante sa 220 state at local universities at colleges ang nakinabang sa free tuition at miscellaneous fees.


Sa kabilang banda, 364,168 estudyante ang nakinabang sa “Tertiary Education Subsidy” at “Tulong Dunong Program” sa ilalim ng “Universal Access to Quality Tertiary Education Act”.

Facebook Comments