Aabot sa higit 5 million pisong halaga ng ecstasy tablet ang nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) PDEA at Ninoy Aquino International Airport – Inter Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) mula sa isang package sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road Pasay City.
Ang naturang package ay dumating sa CMEC noong July 10 na padala ng nagngangalang John Eke mula Netherland at naka-consignee naman kay Lunel Garcia Paden na may ibinigay na address sa Florest St. Pasil, Cebu City.
Nabatid na idineklarang damit pambabae ang laman ng nasabing package kung saan natuklasan ang mga nakasingit na aabot sa 2,984 piraso ng ecstasy tablet na nagkakahalaga ng Php5,072, 800 ng idaan ito sa x-ray machine at physical examination.
Naaresto naman ang claimants ng naturang party drugs o ecstasy sa pamamagitan ng isinagawang controlled delivery ng mga operatiba ng NAIA, PDEA at customs sa Cebu na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs at RA 10863 o na may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act.