Mahigit sa ₱5-M halaga ng illegal na droga, nasabat ng NAIA Customs at PDEA NAIA-IADITG sa CMEC sa Pasay City mula Mexico

Aabot sa ₱5.1-M halaga ng illegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and the Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Group (NAIA- IADITG) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Domestic Road sa Pasay City.

Sa report ng PDEA NAIA-IADITG Inter Agency Drug Interdiction task group dumating ang Parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) na galing sa nag ngangalang Juan Miguel Jacobo Erenia ng Av Pedro Loyola 10 Frace Acapulco Ensenada Baja California, Mexico.

Natuklasan ang laman ng nasabing Parcel nang dumaan ito sa x-ray inspection na ideneklarang Batwrin Musical Jr.,Land Dulces kung saan nakasilid ang 750 grams ng brownish substance Candies at drum set at 750 grams na hininalang shabu na may street value na aabot sa ₱5,100,000 ang halaga nito.


Naaresto naman ang claimants ng naturang parcel na kinilalang si Bryan Vincent Pagayo 42 anyos residente ng Greenacres Subdivision, Brgy. San Isidro, Cainta Rizal.

Inaresto na din ang kasama ng claimant na si Ferdinand Jimenez, 65 anyos residente ng 131 Lope K. Santos St., Brgy. Pedro Cruz, San Juan City.

Nasa kustodiya na ng PDEA NAIA-IADITG ang dalawang suspek kung saan nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon sa posibleng kasabwat nito sa pagpupuslit ng illegal na droga papasok sa bansa.

Facebook Comments