Wednesday, February 25, 2026

Malacañang, itinangging may planong makipag-ayos si PBBM kay VP Sara

Pinabulaanan ng Malacañang ang pahayag ni Atty. Harry Roque na nais umanong makipag-ayos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, walang ganitong hakbang ang pangulo at walang dapat paniwalaan sa sinasabing “confidential source.”

Kitang-kita rin aniya ang tunay na kulay ni VP Sara nang sabihin nitong ayaw niyang makipag-ayos sa pangulo.

Para kay Castro, mas makabubuting ituon ang pansin sa trabaho kaysa sa mga kwentong walang patunay.

Sa ngayon, malinaw aniya ang prayoridad ng pangulo na unahin ang serbisyo publiko, at hindi pulitika.

Facebook Comments