Nakaalerto na ang Malacañang at ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa posibleng maging epekto ng sunod-sunod na sama ng panahon sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Spokesperson for Calamities and Natural Disasters Asec. Joey Villarama, pinaghahandaan na rin umano ang tropical storm “Pulasan”, na tatawagin sa local name na bagyong “Helen” oras na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Villarama, simula pa noong linggo ay nagpupulong na ang mga kaukulang ahensya at regional offices ng Office of Civil Defense.
Tiniyak din ni Villarama na halos lahat ng kinakailangan ay naka-preposition na bago pa man maramdaman ang epekto ng bagyo.
Lagi rin aniyang may nakataas na direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tuwing may binabantayang sama ng panahon