Malakihang bawas-presyo sa LPG, naka-amba sa Labor Day; rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, inaasahan din sa susunod na linggo

Kasabay ng Labor day sa Linggo, May 1, sasalubong ang malakihang bawas-presyo sa Liquified Petroleum Gas o LPG.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau (OIMB), mahigit P5.00 ang rollback sa presyo ng kada kilo ng LPG.

Katumbas yan ng mahigit limangput-limang pisong bawas presyo sa kada 11 kilogram ng tangke ng LPG.


Samantala, posibleng magkaroon din ng bawas presyo sa susunod na linggo ng mga produktong petrolyo tulad ng gasolina, diesel at kerosene.

Ayon kay DOE-OIMB Director Rino Abad, maaaring piso ang ipatupad na oil price rollback sa kada litro nito.

Sinabi ni Abad na ang pangunahing dahilan ng panibagong bawas presyo ay ang paghina na ng epekto ng Russia-Ukraine crisis sa Pilipinas.

Paliwanag pa ni Abad na kung magpapatuloy ang mahinang epekto ng kaguluhan sa pagitan ng naturang dalawang bansa sa Pilipinas, bababa aniya ang demand sa langis at inaasahang mas kakalma na ang presyo nito sa bansa.

Facebook Comments