
Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Palace Press Officer (PCO) Claire Castro, nais mapanagot ng pangulo ang mga sangkot sa kaso para mabigyan na rin ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.
Pero sabi ni Castro, bagama’t may mga lumabas na testigo na pwedeng makatulong kaso, kailangan pa rin ng mabibigat na ebidensya para mapagtibay ito.
Dahil dito, mas mainam aniya na hintayin muna ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice.
Tiwala naman aniya sila sa Palasyo sa integridad ng korte sa bansa at umaasang maso-solusyunan ito nang naaayon sa rule of law.
Facebook Comments









