Hinihikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga kapwa niya health worker na samantalahin na sana ang pagkakataon na magpabakuna na ng bivalent vaccines.
Ito’y upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra COVID-19 lalo na’t hindi pa rin ito tuluyang nawawala.
Giit ng alkalde, importante na maturukan sila ng nasabing bakuna dahil sila ang nasa high risk o madalas na nakaka-salamuha ang mga taong may karamdaman.
Sinabi pa ni Lacuna, nasa 32,000 bivalent vaccines ang inilaan ng pamahalaan sa Manila Local Government Unit (LGU) kung saan matapos na maturukan ang lahat ng mga health worker, isusunod na nilang mabakunahan ang mga senior citizen sa lungsod.
Samantala, aminado ang lokal na pamahalan ng Maynila na mababa pa rin ang bilang ng mga kabataan nila na sumasalang sa booster shot.
Ayon kay Lacuna, nasa higit 10% lamang ng bilang ng mga kabaatan ang nagpapaturok ng booster shot kaya’t hinihimok niya ang mga magulang na isalang na ang kanilang mga anak upang may karagdagang proteksyon kontra COVID-19.