Manila LGU, nakipagpulong sa pamunuan ng Simbahan ng Quiapo para sa huling plano sa Pista ng Poong Nazareno

Courtesy: Manila Public Information Office Facebook page

Bilang paghahanda sa nalalapit na Pista ng Poong Nazareno, nagpulong-pulong ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Simbahan ng Quiapo.

Pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pulong kasama sina Fr. Jun Sescon, Fr. Jonathan Mojica, at iba pang mga kumakatawan sa Simbahan ng Quiapo.

Kabilang sa mga dumalo ang ilan sa mga Hijos del Nazareno na siyang katuwang ng simbahan sa taunang selebrasyon na ito.


Layunin ng pagpupulong na mas mapabuti ang seguridad at kaligtasan ng mga deboto na dadalo sa naturang okasyon.

Bukod dito, nais ni Mayor Lacuna na mailatag na ang huling plano kung saan inatasan niya ang ibang departamento ng Manila LGU na tumulong upang maging maayos ang Traslacion.

Pinasisiguro din ng alkalde sa mga tauhan nito na ipagpatuloy ang clearing operations upang maging maluwag ang mga kalsada na daraanan ng Traslacion kung saan mahigpit na ipatupad ang zero vendor policy hanggang sa matapos ang aktibidad.

Facebook Comments