
Pinapayuhan ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) ang publiko na agahan ang pagtungo sa sementeryo ngayong araw.
Ito’y habang maayos pa ang lagay ng panahon at upang maiwasan ang dagsa ng mga tao.
Ayon kay MNC Director Dandan Tan, inaasahan na mas dadami ang bilang ng tao pagsapit ng alas-9:00 ng umaga, kung saan sa pagbubukas nito kaninang alas-5:00 ng umaga ay nasa higit 100 na ang crowd estimate sa nasabing sementeryo.
Upang maging ligtas, maayos, at maginhawa ang pagdalaw ng publiko sa mga yumaong mahal sa buhay, may mga serbisyong naka-standby ang MNC:
• Puntod Online Finder Assistance
• Tagging system para sa mga bata
• Libreng wheelchair para sa senior citizens at PWDs
• Libreng tubig
• Portalets sa loob ng sementeryo
• Inter-agency contingent mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMMO), Philippine Red Cross, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP)
Mga bawal dalhin sa sementeryo:
• Baril at iba pang matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, cutter, at iba pa
• Lahat ng uri ng nakalalasing na inumin
• Alagang hayop
Dagdag-kaligtasan:
Naglagay din ng CCTV cameras sa paligid ng sementeryo upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Paalala:
Maging responsable—Itapon ang basura sa tamang sisidlan at sumunod sa mga alituntunin sa loob ng sementeryo.









