Pinag-aaralan na ng Palasyo na suspendihin muna ang pagsasagawa ng Pre-Demolition Conference ngayong nasa kalagitnaan pa rin tayo ng COVID-19 pandemic.
Ito ang sinabi ni Commission for the Urban Poor Chairman & CEO Undersecretary Alvin Feliciano kasunod ng marahas na demolisyon na nangyari sa Barangay Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Feliciano na 62 kabahayan lamang ang inaprubahang gibain sa ginawang Pre-Demolition Conference bago ang pandemic pero biglang nagsagawa ng demolisyon at nasa higit 100 ang sinira nitong buwan.
Sa ilalim aniya ng batas ay ang inaprubahan lamang na bilang ng mga bahay sa Pre-Demolition Conference ang maaaring gibain.
Facebook Comments