Asahan na ang mas maraming investment na papasok sa Pilipinas, sa oras na matapos na ang ginagawang pakikibahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa World Economic Forum (WEF) sa Davos.
Ayon kay Senator Mark Villar na isa sa bumubuo ng official Philippine delegation sa Switzerland, walang tigil si Pangulong Marcos sa ginagawang pagtatrabaho sa mismong mga forum at maging sa sidelines ng WEF.
Sunod-sunod aniya ang mga pulong na dinadaluhan ng pangulo.
Sa bawat pulong na iyan, inilalatag ng pangulo ang estado ng ekonomiya sa bansa, at ang mga pagbabagong ipinatupad na magpapabilis ng sistema sa pagni-negosyo sa Pilipinas.
Kaya naman asahan na ang pagkakaroon ng mga karagdahang investment sa bansa, at mga mabubuksang oportunidad, at trabaho, para sa mga Pilipino.