Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakapagtala na ng mataas na heat index sa ilang mga lugar sa bansa kahapon
Ayon sa record ng PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index kahapon sa Cotabato City na aabot sa 42 degrees celsius.
Paliwanag ng PAGASA nasa 41 degree celsius naman ang naitala sa Calapan, Oriental Mindoro.
Habang naitala naman sa 40 degrees celsius ang Heat Index sa Zamboanga City, Masbate City at Catarman Northern Samar.
Aabot naman sa 39 degree celsius ang naitala sa Iloilo City habang 38 Degree Celsius naman sa Virac Catanduanes.
Base sa heat index chart ng PAGASA, posibleng makaranas ng heat crams at heat exhaustion na pwedeng mauwi sa heat stroke kapag na-e-exposed sa 33 hanggang 41 degree celsius.
Sa 42 hanggang 51 Degree Celsius malaki ang posibilidad na ma-heat stroke kapag na-exposed ng husto sa matinding init.