Iniulat ng Department of Health (DOH) na kasama ang Maynila sa mga lungsod sa mundo na may pinakamataas na kaso ng leptospirosis.
Sa Malacañang Insider, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang Mumbai sa India at Maynila ang may world record numbers pagdating sa sakit.
Gayunman, mas malala umano sa Mumbai dahil mayroon silang mga templo kung saan naninirahan at hindi pinapatay ang mga daga.
Hindi umano ito katulad sa Maynila na may rodent control kaya’t magagawa itong resolbahin.
Kaugnay rito, iginiit ni Herbosa na kung maipagpapatuloy ang solid waste management at mapananatiling mababa ang populasyon ng mga daga, maiiwasan ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis matapos ang mga pagbaha.
Facebook Comments