Maynilad, pinaghahandaan na ang inaasahang pagtaas sa demand sa suplay ng tubig sa kanilang service area

Kasado na ng Maynilad Water Services ang mga hakbang para tugunan ang ang iba’t ibang mga usapin na may kinalaman sa water supply sa kanilang nasasakupan.

Isa sa target ngayon ng water concessionaire ang improvement sa apat na Dam sa Cavite para sa source ng dagdag na pagkukuhanan ng tubig.

Ito ay dahil sa pagtaya ng Maynilad, tataas ang demand sa suplay ng tubig sa probinsya ng Cavite sa susunod na mga taon dahil sa paglobo ng papulasyon.


Ayon sa Maynilad, kabilang sa isinasagawa nilang paghahanda ay ang diversification ng raw water sources at ang nagpapatuloy na upgrade sa kanilang mga treatment facilities.

Bukod sa Laguna de Bay ay isa sa pangmatagalang solusyon na nakikita ng water concessionaire ang konstruksyon ng Kaliwa Dam na ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay inaasahang mag-o-operate sa taong 2027.

Facebook Comments