Mayo Uno 6 na inaresto noong Labor Day, laya na

Nagsigawan sa tuwa ang mga kabataang nagkilos protesta matapos na makalaya na ang anim na indibidwal na inaresto noong Labor Day.

Alas-6:20 ng gabi nang lumabas sa headquarter ng Manila Police District ang Mayo Uno Six matapos maghain ng piyansa.

Aabot sa ₱252,000 isa ang binayaran para sa pansamantalang paglaya ng mga inaresto.


Paulit-ulit namang ipinapahayag ng mga nagpoprotesta na walang mali sa kanilang ginawa lalo na’t inilalabas lang nila ang mga hinaing gaya ng umento sa sahod, pagtutol sa umanoy pagpapagamit ng Pilipinas sa Estados Unidos sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea.

Sa panig naman ng MPD, una na nilang sinabi na inaresto ang anim dahil sa pagpupumilit pumasok sa embahada gayong wala silang permit.

Nahaharap sa mga reklamong illegal assembly, direct assault, disobedience to persons in authority at malicious mischief ang anim na inaresto.

Facebook Comments