Mayor Alice Guo, hinihinalang gumamit ng dalawang pasaporte noon

Ibinunyag ni Senator Sherwin Gatchalian na posibleng dalawang passport ang ginamit noon ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa paglabas at pasok nito sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, batay sa mga nakuhang records, isang Chinese passport na ang pangalan ay Guo Hua Ping at Philippine passport na ang pangalan ay Alice Guo ang nakitang may parehong records ng biyahe sa loob at labas ng bansa mula 2008 hanggang 2011.

May mga passport numbers aniya silang hawak na magpapatunay ng nasabing mga byahe kaya posibleng dalawang pasaporte ang ginamit noon ni Guo.


Natigil lamang aniya ang byahe na gamit ang Chinese passport noong 2011 na siya ring unang kinumpirma ng BI.

Muling iginiit ni Gatchalian na kumbinsido siyang si Mayor Alice at Guo Hua Ping ay iisa batay na rin sa pagsusuri sa mga dokumento na kaniyang ginawa.

Facebook Comments