Mayor Isko, mainit na tinanggap sa Cotabato

Pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mainit na pagtanggap sa kanya ng ilang government officials sa Cotabato sa kanyang pagbisita sa probinsya nitong Lunes.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Moreno si Cotabato Governor Nancy Catamco para sa kanyang naging courtesy call sa opisina nito sa provincial capitol, kung saan daan-daang mga taga-suporta ang sumalubong at nagpa-picture sa kanya.

Kasama ni Moreno sa Kidapawan City ang ilan sa Aksyon Demokratiko senatorial bets na sina Samira Gutoc, Dr. Carl Balita, Jopet Sison at Atty. John Castriciones.


Si Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu ang sumama at nagpakilala sa kanila sa gobernador.

Nanindigan ang Aksyon Demokratiko senatorial candidates, na si Moreno ang nararapat na maging presidente at mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon.

“Ako simple lamang ang sasabihin ko, kailangan ko po ang tulong nyo. Andito kami mag-iikot, humihingi ng tulong ninyo at pagkakataon and I think it’s high time for us to move forward on the things, especially what happened in the past and to be reminded of those things so not to repeat those mistakes and whatever that we can do to build in the past. Together we can build back together and be better,” Ani Moreno.

Nagpasalamat naman si Catamco kay Moreno at sa kanyang team sa pagbisita nito sa Cotabato. “Thank you for dropping by. Kahit papaano ay nagpunta po kayo dito sa amin sa province at least nakita nyo rin kami dito. Sa amin naman welcome ang lahat ng mga candidates na marining ng taong bayan kung sino ba dapat ang ating ihalal. So, pasalamat ako dahil nagpunta kayo dito kasama pa si Dong. Tumawag ng personal at di ako makahindi kay Dong. Magkasama kami dati sa Congress, magkatabi sa Congress,” Saad nito.

Facebook Comments