Mayor Joy Belmonte, bakunado na ng COVID vaccine

45

Nagpabakuna na rin ng vaccine kontra COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Tinurukan si Belmonte ng first dose ng Sinovac sa isang vaccination site sa Ateneo.


Ayon sa lady mayor, bagamat kabilang siya sa A1 category, mas pinili niyang maghintay hanggang matapos na mabakuhanan ang mga nasa priority list.

Tulad ng mga ordinaryong residente ng QC, personal na nag-book ng kaniyang vaccination appointment si Belmonte sa pamamagitan EZ Consult website.

Dahil dito, na-obserbahan niya ang proseso at nakatakda siyang magbigay ng rekomendasyon kung paano pa ito mapagbubuti.

Facebook Comments