Mayorya ng mga Pilipino, walang alam tungkol sa Maharlika Investment Fund – batay sa survey ng Social Weather Stations

Nananatiling walang alam ang publiko kaugnay sa isinusulong na panukalang Maharlika Investment Fund ng pamahalaan.

Ito ay matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations na 47% ng mga Pilipino ang nagsabing halos o wala talaga silang tungkol sa MIF bill.

Habang 33% ang nagsabing kakaunti lamang ang kaalaman nila tungkol sa panukala.


Ayon sa SWS, 15% lamang ng mga Pilipino ang nagsabing may kakaunti ngunit sapat na kaalaman sa Maharlika bill at limang porsyento lamang ang mayroong malawak na kaalaman kaugnay rito.

Samantala, umaasa naman ang 51% ng mga Pilipino na kakaunti o wala silang benepisyo mula rito at 46% ang umaasang labis silang makikinabang sa MIF bill.

Isinagawa ang survey noong March 26 hanggang 29 ngayong taon kung saan sumagot dito ang 1,200 adult Filipinos.

Facebook Comments