MECO, nag-abiso ng extension ng pagsasara ng kanilang serbisyo dahil sa pagpapalawig ng lockdown sa Taiwan

Bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19 virus at alinsunod sa pinaiiral ng Central Epidemic Command Center (CECC) na level 3 pandemic alert sa Taiwan, nag-anunsyo ang Manila Economic at Cultural Office (MECO) na mananatiling suspendido ang kanilang serbisyo hanggang June 14,2021.

Kasunod ito ng pagpapalawig sa lockdown sa Taiwan matapos ang spike sa COVID-19 cases doon.

Ang Overseas Filipino Workers (OFW) na may appointment sa pagpapa-notaryo, pagpapa-renew at pagkuha ng passport gayundin ang may mga transaksyon sa OAV, POLO/OWWA, SSS, at Pag-IBIG susunod na dalawang linggo ay inaabisuhan na maghintay ng anunsyo para sa rescheduling.


Ayon sa MECO, hindi naman kailangang kanselahin ang mga nakuhang appointment.

Kung mayroon namang emergency na pangangailangan, pinayuhan ang OFWS sa Taiwan na mangyaring tumawag sa mga pinaubayang numero kalakip ng post na ito o mag-message sa Facebook page ng MECO o MECOnsular (facebook.com/meconsular).

Pinapaalahanan din ng MECO ang mga Pinoy sa Taiwan na mag-ingat sa mga pampublikong lugar.

Facebook Comments