Mega Job Fair, ikinakasa ng Malabon LGU katuwang ang DZXL News

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Malabon sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) ang Mega Job Fair katuwang ang DZXL News.

Ikinakasa ang job fair sa Amphitheater sa Barangay San Agustin mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon kasabay na rin ng pagdiriwang ng International Women’s Day.

Nasa 81 kompanya ang nakibahagi sa nasabing job fair kung saan nasa higit 10,000 bakanteng trabaho ang iniaalok.


77 sa mga ito ay mga local company habang 4 ang overseas na maaaring magtrabaho sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, Germany, Canada, Taiwan, at Qatar.

Ilan sa mga maaaring aplayan sa ibang bansa ay nurse, kitchen staff, cook, welder, waiter, construction worker, welder, bartenders, at iba pa.

Layunin ng ikinasang Mega Job Fair ay upang matulungan ang bawat residente ng Malabon na magkaroon ng disenteng trabaho kung saan pagkakataon na rin ito ng mga estudyante na magtatapos sa pag-aaral na magkaroon ng trabaho.

Facebook Comments