MERALCO, lumagda ng emergency power agreement sa GNPower

Mapupunuan na ng Manila Electric Company o MERALCO ang kakulangan nila sa suplay ng kuryente

Ito’y matapos na lumagda ng kasunduan ang MERALCO sa kumpaniyang GNPower Dinginij Ltd. sa ilalim ng Emergency Power Supply Agreement o EPSA.

Magbibigay ng 300 megawatt na suplay ng kuryente ang GNPower sa MERALCO at tatagal ito hanggang Enero a-25 ng susunod na taon.


Ayon kay MERALCO Corporate Communications Claire Feliciano, tiyak na maiibsan ang bantang taas sa singil sa kuryente dahil mababawasan nito ang bibilhin nilang kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Kasunod iyan ng inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Court of Appeals (CA) sa Power Supply Agreement ng MERALCO sa South Premier Power Corporation na subsidiary ng San Miguel Corporation

Siniguro rin ng MERALCO na gumagawa pa rin sila ng iba’t ibang hakbang upang pagaanin ang pasanin ng mga customer nito.

Facebook Comments