Mga apektado ng Habagat at Bagyong Dodong, halos 30,000 indibidwal ayon sa DSWD

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na aabot na sa 9,922 pamilya o katumbas ng halos 30,000 indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng Bagyong Dodong at ng habagat.

Sa datos ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of July 16, ay naitala ang mga apektado sa Ilocos region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol region, Western Visayas at NCR.

Kaugnay nito, mayroon na ring 192 pamilya o katumbas ng 750 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 18 evacuation centers habang nasa higit 400 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.


Samantala, nakapagtala na rin ang DSWD ng 3 kabahayan na labis na nasira sa kalamidad habang 1 ang partially damaged.

Tiniyak naman ng DSWD ang tulong na ipapamahagi nito sa mga lalawigang inulan dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Dodong

Katunayan, nasa higit Php 2-B na ang halaga ng stockpiles at standby funds na inilaan nito para sa mga apektado ng bagyo.

Facebook Comments