Mga ari-arian ng ABS-CBN, muling ipasisilip ni Sec. Larry Gadon sa Kongreso

 

Magpapadala ng kanyang liham sa Kamara si Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon para muling imbestigahan ang mga ari-arian ng ABS-CBN.

Sa kanyang press conference sa Quezon City, sinabi ni Gadon, marapat lamang na buhayin ang usapin sa lupang kinatitirikan ng gusali ng naturang kompanya.

Ito ay dahil hindi natapos ang usapin ito noong nagsagawa ng pagdinig ang Kamara sa isyu ng prangkisa ng nasabing TV network.


Bukod sa lupang pag-aari ng kompanya, nais din ng kalihim na silipin ang pagkakabenta ng pamilya Lopez sa Meralco.

Ang hakbang na ito ng kalihim ay kasabay ng ginagawang pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa renewal ng prangkisa ng Meralco.

Paliwanag pa ni Gadon na dapat umano ay linawin muna sa Kamara kung papaanong naibigay sa pamilya Lopez ang power distribution company matapos ang Martial Law.

Facebook Comments