
Ipinasasama ni Senate Minority Leader Tito Sotto III sa lifestyle check ang mga asawa ng mga opisyal ng gobyerno.
Ito’y makaraang ipag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagsasailalim sa lifestyle check ng mga opisyal ng Ehekutibo kaugnay pa rin ng mga guni-guning flood control projects.
Naniniwala si Sotto na maganda itong hakbang sa pamahalaan para tuluyang maisiwalat ang mga katiwalian sa mga infrastructure projects.
Samantala, iginiit naman ni Senator Imee Marcos na long overdue na ang lifestyle check sa mga government officials.
Sinabi ng senadora na nakakasindak kapag nakita sa mga social media accounts ng mga sangkot sa flood control ang mga magagarbong sasakyan, apartments sa ibang bansa at kakaibang alahas na magbibigay duda sa kayamanan ng mga sangkot sa katiwalian.









