Nananatiling epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19 laban sa banta ng Delta variant.
Ito ang sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo kasunod ng ulat na nabawasan ang proteksyon ng isang indibidwal sa pagkakaroon ng severe symptoms oras na mahawaan ng virus.
Ayon kay Domingo, kahit bumababa ng kaunti ang bisa ng bakuna laban sa Delta variant ay nananatili pa rin ang proteksyon ng isang tao sa posibleng pagkamatay at pagkakaroon ng malalang sakit.
Sa katunayan din aniya, sa kabuuang 21 kaso ng Delta variant sa Philippine General Hospital (PGH), 15 lamang ang mild cases, isa ang asymptomatic, isa ang moderate at dalawa ang severe at kritikal.
Sa severe cases kabilang aniya ang dalawang hindi pa nababakunahang indibidwal, na nangangahulugang nakatulong ang bakuna upang mapigilan ang anumang komplikasyon.
Sa ngayon, umabot na sa siyam ang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa Delta variant kung saan 216 ang kabuuang kaso nito sa Pilipinas.