Mga barangay chairman na bigong mapatigil ang mass gathering sa kanilang lugar, aarestuhin

Aarestuhin ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang barangay chairman na nagpapabaya sa kanyang area of responsiblity kaya nagpapatuloy ang mass gathering, na paglabag sa health protocols ngayong may pandemya.

Ito ang sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na hulihin ang mga barangay captain na bigong mapatigil ang mass gathering sa kanyang lugar.

Ayon kay Eleazar, kung mahuhuli sa akto na kasama sa lumalabag sa mass gathering ang isang brgy official ay kanila agad itong aarestuhin katulad ng pagaresto sa isang barangay captain sa Calamba, Laguna dahil nahuli sa aktong naglalaro ng tupada.


Pero kapag tapos na ang mass gathering, iimbitahan nila ang barangay chairman para magpaliwanag sa presinto.

Sakali naman ayaw o manlaban ang barangay chairman, sinabi ni Eleazar na sinanay na ang mga pulis na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Kung may pulis naman na aabuso sa pagtutok sa mga barangay chairmam na nagpapabaya at lumalabag sa health protocols ay tiniyak ni Gen. Eleazar na kanila itong paparusahan matapos dumaan sa due process.

Facebook Comments