Monday, January 26, 2026

Mga contractor at tauhan ng DPWH, pananagutin sa palpak na flood control sa Arayat, Pampanga

Minamadali na ng Department of Public Works (DPWH) and Highways ang imbestigasyon at paglalatag ng solusyon para sa gumuhong flood control dike sa Arayat, Pampanga.

Ayon sa Department of Public Works (DPWH), nagsimula na ang kailang isinagawang technical assessment kung saan napaulat na palpak ang disenyo at nabigo ang contractor na pagtibayin ang mga pundasyon ng proyekto.

Sabi ni Department of Public Works (DPWH) Secretary Vince Dizon, hindi pa rin maayos hanggang ngayon ng kontratista ang naturang istruktura.

Dahil dito, tiniyak ng kalihim na may mga mananagot kabilang na ang mga tauhan ng DPWH at contractors.

Inaalam na rin ang ilang mga natanggap na ulat na may mga kaugnayan sa mga kongresista.

Ayon kay Dizon, isusumite nila sa Ombudsman at sa Department of Justice (DOJ) ang magiging rekomendasyon ngayong lumalabas na may mga mali talaga sa disenyo.

Facebook Comments