Mga dokumentong iniwan ni dating Usec. Maria Catalina Cabral kay Cong. Leandro Leviste, makakatulong sa imbestigasyon ng maanomalyang proyekto sa DPWH ayon kay Sen. Ping Lacson

Naniniwala si Senate President pro-tempore Ping Lacson na makakatulong sa imbestigasyon tungkol sa mga maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang iniwang mga dokumento ng yumaong si dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral.

Matatandaang ibinigay ni Cabral kay Cong. Leandro Leviste ang mga dokumento na may kinalaman sa mga katiwalian sa proyekto ng DPWH.

Ayon kay Lacson, mabuti na lamang na mayroong isang masipag na Cong. Leviste na kayang magingat ng mga mahahalagang dokumento na maaaring makatulong sa ongoing investigation tungkol sa mga anomalya ng infrastructure projects.

Ilan pa aniya sa mga sangkot dito ay mga korap na government officials.

Hindi naman masabi pa ni Lacson kung ang hawak na dokumento ni Leviste ay pareho sa mga ibinigay sa kanilang materyales ni Cabral.

Nauna na rin aniya nilang isinumite sa Ombudsman, Department of Justice (DOJ) at sa ibang ahensya ang mga dokumentong nakuha na may kinalaman sa inimbestigahan ng Blue Ribbon Committee na maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments