Tinutulungan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga driver na hindi pa umano nababayaran sa ilalim ng service contracting program.
Sa briefing ng DOTr sa Kamara ay sinabi ni Transportation Undersecretary Steve Pastor na pinapasangguni na nila sa angkop na labor agencies ang mga driver ng EDSA bus way na hindi pa nakatatanggap ng bayad.
Ilan sa mga driver ng ES Consortium at Mega Manila Consortium na nag-o-operate sa EDSA Bus Carousel ang nagrereklamo na 23% lamang sa halip na 30% share ng sahod ang kanilang nakukuha na syang nakasaad sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 2021-029.
Pero diin ni Pastor, nabayaran na nila ang mga kinontrata nilang operator ng bus na siyang magpapasweldo sa kanilang mga driver at konduktor.