Mga dumalo sa WEF, napabilib sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic

Marami sa mga international leader na dumalo sa 2023 World Economic Forum (WEF) ang napabilib o may positibong reaksyon sa pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Ito ang pangunahin sa mga obserbasyon ni dating pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria, Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Si Arroyo ay kasama sa delegasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa WEF na ginaganap sa Switzerland.


Binanggit ni Arroyo na isa sa mga opisyal na may positibong reaksyon sa pagtugon ng Pilipinas sa pandemya ay si dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair na nakapulong ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Arroyo, kinikilala ng mga leader ang mahusay na pangangasiwa ng Pilipinas hindi lang sa pandemya kundi maging sa ating ekonomiya.

Diin ni Arroyo, maganda ang track record ng ating bansa dahil magagaling ang ating mga economic managers sinuman ang pangulo.

Binanggit ni Arroyo na ito ang dahilan kung bakit nananatiling stable at maganda ang forecast para sa ating ekonomiya ngayong 2023.

Facebook Comments