Mga election workers, tiniyak na makakatanggap pa rin ng ayuda mula sa gobyerno sa kabila ng pag-veto ng pangulo sa panukalang tax exemptions sa honoraria at allowances ng mga ito

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may ayudang matatanggap ang mga election workers.

Ginawa ng pangulo ang pahayag na ito matapos ang pag-veto sa panukalang tax exemptions sa mga honoraria, allowances at iba pang benepisyo na ibinibigay sa mga election workers.

Paliwanag ng pangulo, sinusubukan ngayon ng kanyang administrasyon na i-simplify ang tax payment, mahirap daw kasing ma-determina sa panukalang batas kung sino ang mga makakakuha ng tax subsidy.


Dahil posibleng ang makakuha nito ay hindi naman pala dapat makinabang.

Nagbibigay din daw ito ng kalituhan at burden sa tax bureau.

Kaya naman kung mabibigyan aniya ng direktang suporta ang mga election workers, hindi na kailangan ng bagong tax category at magagamit aniya ang National ID system sa pamamahagi ng ayuda.

Matatandang noong sabado ay inanunsyo ng Malacañang na vineto ni Pangulong Marcos ang House Bill No. 9652/Senate Bill No. 2520 o ang proposed bill na nagbibigay ng tax exemptions sa mga financial benefits ng mga election workers.

Facebook Comments