Mga evacuee sa Zapote Elementary School na isa sa mga itinalagang evacuation center sa Las Piñas City, binisita ng DOH at DSWD

Personal na binisita ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rez Gatchalian ang mga evacuee sa Zapote Elementary School na itinalagang evacuation center sa Las Piñas.

Layunin ng pagbisita ay para matiyak na naibibigay ang mga pangangailangang tulong ng mga tumutuloy sa mga evacuation na naaepktuhan ng Bagyong Crising at habagat.

Isa na rito ang pangangailangan sa atensyong medikal gaya ng gamot maging ang mga pangangailangan naman sa pagkain.

Naghatid naman na rin ng gamot ang DOH maging ang mga first aid kit.

Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga ahensya sa lokal na pamahalaan ng Las Piñas para sa koordinasyon at pangangailangan ng naturang lungsod.

Facebook Comments