Mga hakbang ng PNP laban sa human trafficking at migrant smuggling, ipiprisinta ni PNP Chief Azurin sa INTERPOL Conference

Ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr., ang mga ginawang aksyon ng PNP laban sa human trafficking at migrant smuggling sa nagpapatuloy na 24th Asian Regional Conference ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ayon kay Azurin, ikinararangal nyang pamunuan ang delegasyon ng Pilipinas sa pagpupulong ng INTERPOL, para pag-usapan ang mga hakbang kontra sa mga pangunahing crime-related isyu ng rehiyon kabilang na ang human trafficking, cybercrime, financial crime, at terrorism.

Ang Pilipinas ang namumuno sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Senior Officials Meeting in Transnational Crime Working Group on Trafficking in Persons na permanenteng mekanismo sa pagmonitor ng pagpapatupad ng ASEAN Convention Against Trafficking in Persons, especially Women, and Children.


Kasama ni Azurin sa delegasyon sina: PMGEN Bernard Banac, PMGEN Eliseo Cruz, PMGEN Benjamin Acorda, Jr., PMGEN Emmanuel Peralta, PMGEN Jesus Cambay, Jr., PMGEN Valeriano De Leon, PCOL Redrico Maranan, at PCOL Reynante Bastian.

Nabatid na nagsimula ang INTERPOL conference kahapon February 6 at tatagal hanggang February 11, 2023.

Facebook Comments