Tiniketan ng mga tauhan ng Quezon City government ang ilang negosyante, trabahador at residente na hindi nagsusuot ng face mask.
Sa isang palengke partikular ang Mega QMart, marami ang natiketan kabilang na ang tindera, kusinero at ilang residente.
Ginawa ang hakbang kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa mga natiketan ay ₱300 ang babayaran.
Mayroon namang sinita dahil hindi tama ang pagsusuot ng face mask.
Mayroon kasing nasa baba lamang ang face mask at ang iba naman ay nakalabas ang ilong.
Bukod sa Mega QMart ay nagpakalat din ng tauhan sa iba pang lugar sa lungsod para hulihan ang mga hindi nakasuot ng face mask.
Facebook Comments