Mga Imams at Muslim leader, sumuporta kay VP Leni

Nasundan ang grupo na umalis sa kampo ni Mayor Yorme nang tumindig ang ilang mga Muslim leader at kanilang grupo na inilipat ang suporta para kay VP Leni Robredo bilang kandidato sa pagka-pangulo.

Sa isang pulong pambalitaan sa Zamboanga City, sina Sheikh Mahir Gustahaman, chair ng United Imams of the Philippines-Zambasulta Region; Sheikh Fahad Haris, president Almanara Foundation, Inc.; Sheikh Musial Harun, pangulo Kulliyatud Dirasat Al Islamiya Cllege of Islamic Studies; Sheikh Yahya Totong, pangulo ng Muslim Leaders Assembly; S. UST. Abdulmubin Dalun, presidente Basilian Huffadz Al-Qur-Anil Karin Association, Inc.; Prof. Abdulham Mohammad, presidente Maluso Madaris Association; Prof. Alzad Saitar, Miyembro ng Parliament, BARMM; pormal na idineklara ang kanilang todo-todo na suporta kay VP Leni, na nagsasabi na bahagi ng kanilang makabayang tungkulin na pigilan ang posibleng pagbabalik ng rehimeng Marcos.

Malugod na tinanggap ni Mayor Hani Bud ng Maluso, Basilian, na kumakatawan kay VP Leni, ang pangakong suporta, idiniin na ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kakampi sa kampo ng Bise Presidente ay nagpapahiwatig ng snowballing trend ng kampanya ni VP.


“Sa ngayon, ang lahat ng indikasyon ay tumuturo sa snowballing momentum ng kampanya ni VP Leni,” saadi ni Bud.

Ayon sa grupo, hindi bababa sa 100 libong miyembro sa buong bansa, karamihan ay nagmumula sa hanay ng mga kabataan, ang kasangkot sa kampanya upang matiyak ang tagumpay ni VP Leni sa Mayo 9 na botohan.

Tampok din sa kumperehensiya ang pagkabuo ng grupo ng IM k Leni, o Isang Mamamayan kay Leni Movement, kung saan ang mga miyembro ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas ng Zamboanga ay sinamahan na ng mga Muslim leaders sa buong rehiyon.

Facebook Comments