Mga kabataan, napapanahon nang makiisa para tumulong sa pagresolba sa problema sa sektor ng agrikultura ayon sa chairperson ng RAFC ng CAR

Dapat nang makialam ang mga kabataan ngayon sa kinakaharap na problema ng bansa sa sektor ng agrikultura.

Ito ang pahayag ni Ryan Palunan, Chairperson ng Cordillera Administrative Region’s Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC).

Sa isang statement sinabi ni Palunan na ngayon na ang tamang panahon para makiisa, makisalamuha sa mga magsasaka ang mga kabataan kung may pagkakataon para mapag-usapan ang mga problema sa ground nang sa ganun ay makabuo ng mas magandang mga polisiya para sa mga magsasaka.


Si Palunan ay 25 taong gulang na magsasaka na mula sa Baguio City na in-appoint noong Marso bilang RAFC Chairperson para sa taong 2022.

Naniniwala ang batang magsasaka na taglay ng mga kabataan ang pagiging idealistic na magagamit nila para maging boses ng mga magsasaka upang maihatid sa gobyerno ang kanilang problema at makabuo ng mga bagong polisiya.

Bukod sa pag-empower sa mga kabataan, ipino-promote rin ni Palunan ang active participation ng mga farmer-groups para sa mga project development, preservation and integration ng Indigenous Knowledge Systems and Practices o IKSP sa agriculture, promotion ng urban agriculture, ang pangangailan na research and development, hindi lang sa production, maging sa marketing aspect ng agrikultura.

Facebook Comments