Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang aalis ng bansa sa darating na Undas na sumunod sa kanilang mga immigration departure requirements.
Ito ay upang maiwasan ang mahabang pila sa mga paliparan sa petsa ng kanilang mga flight.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga rehistradong dayuhan na permanenteng naninirahan, nagtatrabaho, o nag-aaral sa Pilipinas ay maaaring kumuha ng re-entry permit (RP) o special return certificate (SRC) sa mga satellite at extension ng BI sa buong bansa bago umalis.
Samantala, ang mga dayuhang turista na nanatili sa bansa ng higit sa anim na buwan ay maaari ding makakuha ng kanilang Emigration Clearance Certificate (ECC) bago umalis.
Sinabi ni Tansingco na ang pagkuha ng mga kinakailangang permit nang maaga ay makakapagpabawas ng oras ng kanilang pagpila dahil hindi na sila kailangang pumila sa mga airport cashier ng BI.