Pinapasiguro ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya sa administrasyong Marcos ang mga karapatan sa pangingisda ng bansa sa Panatag Shoal.
Ayon kay Pamalakaya Vice Chairman for Luzon Bobby Roldan, dapat tiyakin ng bagong administrasyon ang mga karapatan nila na mangisda sa Panatag Shoal.
Dapat aniya ipagpatuloy ni Marcos ang mga hakbang ng pamahalaan na bawiin ang ating mga dagat.
Gayunpaman, dismayado ang Pamalakaya sa kakatapos lang na inagurasyon ni Marcos dahil hindi man nabanggit ng pangulo ang mga karapatan ng mga mangingisda ng Zambales sa West Philippine Sea (WPS).
Dagdag pa ni Roldan, hindi binanggit ni Pangulong Marcos ang tunay at kasalukuyang banta sa ating pambansang soberanya.
Sinabi pa ng opisyal na nakakagalit dahil nasa ingurasyon pa niya kahapon si Chinese Vice President Wang Qishan.
Para sa naturang grupo, ang pananahimik ni Marcos sa isyu ng pambansang soberanya ay halintulad lang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.