Hiniling nina minority Senators Aquilino Koko Pimentel at Risa Hontiveros sa Department of Justice (DOJ) na i-withdraw ang mga kaso laban kay Senator Leila de Lima.
Ang nabanggit na apela sa DOJ ay nakapaloob sa Senate resolution number 27 na inihain nina Pimentel at Hontiveros na layuning mapalaya na si De Lima.
Basehan ng hakbang nina Pimentel at Hontiveros ang pagbawi ng testimonya ng mga saksi sa mga kaso laban kay De Lima na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Kabilang dito sina Kewin Espinosa, Rafael Ragos at Ronnie Dayan.
Diin nina Pimentel at Hontiveros, patunay ito na inosente si De Lima sa mga kasong kinakaharap niya at ang pananatili niya sa bilangguan ay hindi makatarungan.
Facebook Comments