Mga kongresistang naghain ng kandidatura para sa reelection, dumarami pa

Nadadagdagan pa ang mga kongresistang naghahain ng kandidatura para sa halalan ng susunod na taon.

Si Majority Leader Martin Romualdez ay naghain ng kandidatura bilang kinatawan muli ng unang distrito ng Leyte sa Kamara.

Gayundin, naghain na rin ng Certificate of Candidacy (COC) si House Deputy Speaker Mujiv Hataman bilang re-electionist o kongresista ng Basilan Lone District.


Si dating Health Secretary at Congw. Janette Garin ay naghain na rin ng kandidatura para sumabak muli na kinatawan ng 1st District ng lalawigan ng Iloilo.

Dagdag pa sa mga nag-file “for re-election” ay sina Rep. Teodorico Haresco Jr., bilang kongresista ng Ikalawang Distrito ng Aklan at Rep. Mark Go bilang kinatawan ulit ng Lone District ng Baguio City.

Habang si Rep. Luis Raymond “LRay” Villafuerte, tatakbo sa eleksyon para sa huling termino niya bilang kongresista ng Ikalawang Distrito ng Camarines Sur.

Facebook Comments