Tuesday, February 24, 2026

Mga kongresistang nagsusulong na ideklarang Regular Non-Working Holiday ang Feb 25, nadagdagan pa

Dumarami ang mga kongresistang nagsusulong na ideklarang Regular National Non-Working Holiday ang February 25 o ang 1986 People Power Revolution.

Kasunod ito ng paghahain ngayong araw sa House Bill No. 8028 o EDSA People Power Revolutionary Act nina Liberal Party (LP) Representatives Leila de Lima, Adrian Michael Amatong, Edgar Erice, Jaime Fresnedi, at Alfonso Umali Jr.

Diin ni De Lima, pagkilala ito sa tagumpay ng pagkawala ng mga Pilipino sa mahabang panahon ng sakripisyo at paghihirap sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kasama ni De Lima na naghain ng panukalang batas si Kiko Dee na co-convenor ng Tindig Pilipinas.

Bago si De Lima at mga kasamahang mambabatas sa LP ay una ring nanghain ng hiwalay na panukalang batas na gawing regular na National Holiday ang February 25 sina Akbayan Party-list Representatives Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.

Facebook Comments