Mga lugar na naka-granular lockdown sa bansa, bumaba na sa 708 ayon sa PNP

Nabawasan pa ang bilang ng mga lugar sa bansa na naka- granular lockdown dahil sa COVID-19.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Command Center, mula sa mahigit 800 ay bumaba na sa 708 ang granular lockdown areas.

Nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming granular lockdown areas ang Cordillera na may 404, Ilocos na may 198 at Cagayan na may 84.


Samantala, sinabing aabot naman sa 1,306 na indibidwal ang apektado ng granular lockdown sa bansa.

Sa ngayon naka-deploy pa rin ang mga tauhan ng PNP at force multipliers para matiyak na naipapatupad ang health protocols sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments