Mga magsasaka at mangingisda, tinukoy ng NAPC na pinakamahirap na sektor sa bansa

Tinukoy ngayon ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) na pinakamahihirap na sektor sa bansa ang mga magsasaka at mangingisda.

Ginawa ng NAPC ang pahayag kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tukuyin ang mga pinakalubhang mahihirap na komunidad sa buong bansa.

Maliban sa mga magsasaka at mangingisda, maituturing din na bulnerable ay ang mga katutubo o indigenous people at ang mga residente sa mga conflict areas o lugar na may palagiang bakbakan ang mga tropa ng pamahalaan at mga rebelde.


Una nang nakapagsagawa ang NAPC ng National Sectoral Assemblies sa Metro Manila.

Mahigit 1,300 na community leaders ng basic sectors ang tumukoy sa pangunahing problema sa pagkamit ng solusyon kontra-kahirapan.

Facebook Comments