Inani na ng mga magsasaka ang kanilang mga pananim sa probinsya ng Cagayan at Isabela bilang paghahanda sa Bagyong Karding.
Sa Isabela, ilang magsasaka ang nag-harvest na ng kanilang tanim na mais upang hindi na masira at masayang.
Ganun din ang ginawa ng mga magsasaka sa mga munsipalidad sa Cagayan na nasa flood prone area.
Kabilang dito ang municipalities ng Peñablanca, Enrile, Solana, Amulung, Alcala, Tuao, Rizal, Iguig, at Tuguegarao.
Ayon kay Ruelie Rapsing, Officer-In-Charge ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, naabisuhan na nila ang mga residente na maging alerto sa bagyo.
Ngayong araw, inaasahang magpapalabas ang tubig ang Magat Dam bilang paghahanda kay Karding.
Inaasahang kasi na lalakas pa ang bagyo bago ito maglandfall sa Northern Luzon o Aurora, bukas ng umaga o hapon.