Mga magsasaka sumugod sa Office of the Ombudsman upang ireklamo ang kawalang aksyon sa pagkamatay ng isa nilang kasama

Sumugod sa harap ng Office of the Ombudsman ang grupo ng mga magsasaka mula sa gitnang Luzon upang iprotesta ang kawalan ng aksyon umano ni Ombudsman Samuel Martires sa isinampa nilang reklamo laban sa mga pulis at mga sundalo na nagpabaya kaya nasawi ang kanilang lider na si Joseph Canlas.

Ayon sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon mayroon silang malakas na ebedensya na ang mga medical officers ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3 at ang mga medical personnel ng Angeles City District Jail ay nag pabaya kaya’t namatay ng hindi man lamang nabibigyan ng atensyong medical si Canlas habang nakapiit ito.

Ang naturang mga ebedensiya ay hindi umano pinansin ng Ombudsman.


Ayon pa sa grupo, illegal ang pag-aresto ng mga pulis kay Canlas na ikinulong at nahawaan ng COVID-19 na naging dahilan ang kamatayan nito.

Dagdag pa ng grupo, gawa-gawa lamang ang mga kaso laban kay Canlas.

Una nang nagsampa ng kasong administratibo at kriminal ang pamilya ni Canlas noong Mayo, pero hanggang ngayon wala pang aksiyon ang Ombudsman.

Facebook Comments