Mga manggagawa sa tourism sector, isinusulong na rin na maturukan ng COVID-19 vaccine

Umapela ang Department of Tourism (DOT) sa Inter-Agency Task Force (IATF) at National Task Force (NTF) Against COVID-19 na isama na rin sa malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 ang mga manggagawa sa tourism industry.

Partikular ang frontline workers sa sektor ng turismo gaya ng mga tour guides, operators at iba pang accredited workers at service providers.

Iginiit ng DOT na ang uri ng trabaho ng tourism workers ay nangangailangan ng face-to-face interaction sa mga turista.


Naniniwala ang DOT na hindi lamang proteksyon sa mga tourism workers ang maidudulot ng bakuna kundi magsisilbi rin itong “firewall” para maiwasan ang patuloy pang pagkalat ng virus sa tourist destinations.

Ikinalugod naman ng DOT ang pagkakasama sa Immunization Priority Group A4 list ng mga manggagawa sa airport at quarantine hotels.

Facebook Comments